RESCUE 3121 Training
Published: July 26, 2016 03:45 PM
Sinimulan nitong Sabado, Hulyo 23 ang una sa tatlong bahagi ng 'Basic Training Course for Responder' na pagsasanay ng RESCUE 3121 bilang paghahanda sa kanila sa pagresponde sa mga kalamidad at sakuna tulad ng sunog, bagyo at baha. Ang unang bahagi ng pagsasanay ay patungkol sa Fire Fighting, Basic First Aid ang ikalawa at Basic Rescue Training ang huli.
Pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagsasanay sa mga miyembro ng Rescue Team at itinuro sa kanila ang Basic Fire Education, PPE and Equipment Familiarization, Hose Throwing, Hose Rolling, Hose and Nozzle connection, at Fire Fighting Demonstration.
Dumalo sa pagsasanay si Executive Asst. IV Amor Cabico.
Susunod na sa Sabado, Hulyo 30, ang ikalawang bahagi ng pagsasanay.