Mayor Kokoy�s Dialogue with the LGU Housing Program Beneficiaries
Published: August 05, 2016 12:00 PM
Nakipagdyalogo kamakailan si Mayor Mario “Kokoy” Salvador sa mga benepisyaryo ng Socialized Housing Program ng Lokal na Pamahalaan upang bigyang linaw ang ilang isyu tungkol sa naturang pabahay.
Pinabulaanan ng Punong Lungsod ang maling balitang nakasanla umano ang lupa roon, at sinabi rin niyang hindi totoong hindi na kailangang bayaran ng mga benepisyaryo ang lupang ipinamahagi sa kanila.
Paliwanag ni Mayor Kokoy, may kontratang napagkasunduan ang Lokal na Pamahalaan at ang mga benepisyaryo, at ito ay sang-ayon din sa isang pinagtibay na Ordinansa kaya hindi maaaring basta-basta baguhin ang kasunduan at mga patakaran.
Ipinaliwanag din ng Punong Lungsod na kailangang dumaan sa tamang proseso kung kailangang amyendahan ang Ordinansa, kaya iminungkahi rin niyang mag-usap muna ang mga home owners o residente roon para matukoy ang gusto ng nakararami.
Siniguro din sa mga naroon na tututukan ng Tanggapan ng Punong Lungsod ang Housing Division, pati na ang paghiling na maamyemdahan ang ordinansa na di lamang pabor sa iilan kundi pakikinabangan ng pangkalahatan.
Bukod dito, ipinahayag din ni Mayor Kokoy ang kanyang nais na mabigyan ng potable water supply o malinis na inuming tubig ang mga nakatira doon dahil nakita niya na isa ito sa pangunahing pangangailangan nila.
Ginanap ang diyalogo nitong ika-3 ng Agosto sa Habitat, Sto. Niño 3rd.