Awarding of STW Engine and Meeting with City Agriculture Office
Published: August 01, 2016 06:06 PM
Pinulong ni Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador ang mga kawani ng City Agriculture Office ngayong araw na ito (Agosto 1) para magbigay ng mga suhestiyon at dinggin ang kanilang mga opinyon para sa mas magandang serbisyo sa bayan lalo na sa mga magsasaka.
Nais ng Punong Lungsod na bigyang pansin ang mga programang patubig para makatulong sa mga magsasaka lalo na tuwing sasapit ang tag-init.
Nagpasalamat naman ang presidente ng Angaki Irrigators Association na si Juanito Balen sa agarang aksiyon ng Punong Lungsod sa patubig sa kanilang lugar.
Iginawad din ang Certificate of Ownership ng dalawang Shallow Tube Well (STW) Engine with Pump sa Angaki Irrigators Association ng Pinili at Junior Campo Irrigators Association ng Sto. Niño 2nd.
Kasama ni Mayor Kokoy sa paggawad ng sertipiko sina Executive Asst. IV Amor Cabico at City Agriculturist Reynaldo Amarillo.