News »


NUTRITION MONTH CELEBRATION

Published: July 29, 2016 05:50 PM



Ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ang Buwan ng Nutrisyon nitong ika-28 ng Hulyo kung saan iba’t ibang aktibidad at programa ang isinagawa sa munisipyo sa pangunguna ng City Nutrition Council.
Ilan sa mga naging aktibidad dito ay Baby Crawl Contest para sa mga 8-9 na buwang gulang na sanggol, Milk Drinking Contest para sa mga chikiting edad 3-4 na taong gulang, Food Art Contest na sinalihan ng mga nanay at Barangay Nutrition Scholars (BNS), Nutri-Puzzle Contest para sa mga buntis na ina, at Symposium tungkol sa Tamang Nutrisyon.
Ipinagpatuloy ang iba pang mga programa at aktibidad para sa Nutrition Month Celebration ngayong araw na ito (Hulyo 29) sa Pag-asa Gym na pinangunahan naman ng City Social Welfare and Development Office.