News »


CITY NUTRITION COUNCIL MEETING

Published: July 13, 2016 04:19 PM



Nagpulong ang mga miyembro ng CITY NUTRITION COUNCIL (CNC) nitong ika-11 ng Hulyo sa pangunguna ni City Nutrition Action Officer Josephine Martin kasama si City Administrator Alexander Glen E. Bautista upang pag-usapan ang mga magiging programa at aktibidad para sa selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo na may temang “First 1000 days ni baby, pahalagahan para sa malusog na kinabukasan”.
Nagpakilala rin dito ang mga bagong miyembro ng CNC matapos itong i-reorganize noong Hulyo 5 ng bagong Chairman ng konseho at Punong Lungsod Kokoy Salvador. Bukod sa City Nutrition Office, kabilang sa mga miyembro ng CNC ang DILG, City Health Office, City Agriculture Office, PESO, City Veterinary Office, City Cooperative Development Office, CENRO, CSWDO, Community Affairs Office, PIO, City Engineering Office, City Population Office, Assn. of Brgy. Captains, DepEd, at Order of Amaranth.
Nagbigay naman ang mga miyembro ng CNC ng kani-kanilang mga iminumungkahing aktibidad at muling magpupulong para talakayin ang mga isasakatuparang gawain para sa pagdiriwang ng Nutrition Month.