News »


COMBINE HARVESTER OWNERS� ASSOCIATION MEETING AND ELECTION

Published: July 26, 2016 11:49 AM



Matapos pulungin ni City Mayor Mario “Kokoy” Salvador nitong Hulyo 18 ang mga may-ari ng reaper/harvester sa lungsod para sa planong pagbuo ng kanilang asosasyon, muling nagsama-sama ang naturang grupo noong Hulyo 22 para sa eleksiyon ng mga magsisilbing Board of Directors (BOD).
Sinabi ng Punong Lungsod sa naunang pulong na ang pagbuo ng asosasyon ng mga harvester owners ay isang paraan upang lalo pang mapatatag hindi lamang ang kanilang hanapbuhay kundi maging ang kanilang samahan.
Tiniyak din ni Mayor Kokoy ang kanyang suporta sa mga nasa sektor ng agrikultura at isa ito sa mga priyoridad niyang mapaunlad.
Kasama rin sa pulong ang presidente ng Muñoz Harvester Owners' Association na si John Valiente na siyang nagpaliwanag sa kagandahan at kahalagahan ng pagkakaroon ng asosasyon, pati na ang mga panuntunan sa pagpili ng mga magiging opisyal nito.
Dumalo rin sa isinagawang eleksyon ng Combine Harvester Owners’ Association Officers at nagpahayag ng suporta sina City Administrator Alexander Glen Bautista at Executive Asst. IV Amor Cabico.
Sa huli, bumoto ang asosasyon ng labing-isang (11) BOD kabilang sina Rommel Allas, Daniel Gallardo, Edna Pacubas, Jimmy Cauayan, Ferdinand Pobre, Tomas Brillo, Bonnie Bambilla, Freddie Bagayas, Tony Tacbianan, Boying Hilario, at Nico Dysico. Magsisilbi ring Ingat-Yaman (Treasurer) si Ferdinand Pobre at Kalihim (Secretary) naman si Edna Pacubas.