Sireyna ng San Jose 2020, kinoronahan
Published: January 30, 2020 12:00 AM
Lumutang si Ms. Nisha Alcantara bilang Sireyna ng San Jose, ang tinaguriang reyna ng transgender community ng lungsod, nitong Enero 24 sa pageant night na ginanap sa PAG-ASA Sports Complex.
First runner-up naman si Ms. Winwin Garchitorena na nag-uwi din ng award na Best in Long Gown, second runner-up si Ms. Ma. Anthonette Yusi, third runner-up si Ms. Kylie Alvarez na nag-uwi rin ang Best in Festival Costume, at fourth runner-up naman si Ms. Bella Marie Diaz.
Naging mahigpit ang kompetisyon lalo na sa Festival Costume at Long Gown Competition matapos magpakita ang dalawamput-tatlong kandidata ng kanilang maniningning at magagandang kasuotan. Naging maingay ang mga manonood sa bawat pagrampa ng mga kalahok sa entablado.
Pinamunuan ni Mr. Anthony Dela Cruz ang mga hurado sa pagpili ng Sireyna, habang si Mr. Jay Ar Pajarillo naman ang namuno sa official tabulation ng College of Reseach and Technology (CRT).
Maringal na naisalin ni Ms. Dzeyrhill Gibson (Sireyna 2019) at ni Ms. Levy Villasenor (Sireyna 2019 – Magandang Ani) ang korona sa mga nanalo.
Dumalo sa pagtitipon at nagpakita ng suporta sina SP Kagawad Atty. Ronald Lee Hortizuela at Dr. Susan Corpuz. Tumayo naman bilang host si Mr. JV Patacsil.
Ang Sireyna ng San Jose ay isa sa mga proyekto ng LGBT community sa lungsod. Nagsilbing coordinators ng proyekto sina Ramil Rosete, Willy Castillo, Mark Jhayson Mina, Sam Abella, Daniela Suratos, Rhoel Saplaco Miguel, at Summer Galdones. Tumayong stage director naman si Mr. Jeff Natividad.
Suportado ng Lokal na Pamahalaan at ng Punong Lungsod Kokoy Salvador ang LGBT community ng San Jose na buong puso ring nakikiisa at sumusuporta sa mga programa ng Lokal na Pamahalaan, kabilang na ang K-Outreach Program kung saan pinamumunuan naman ni Mr. Vonz Adatan ang community service o libreng gupit sa Outreach. Aktibo rin ang LGBT Community sa pakikiisa sa HIV awareness campaign sa lungsod.