Tulong Pangkabuhayan, ipinamahagi
Published: December 17, 2019 12:00 AM
Ipinagkaloob kahapon (Disyembre 18) sa mga miyembro ng Sitio Usok Damayan Kababaihan Association ng Barangay Malasin ang mga kagamitan para sa kanilang veggie chips, chicharon, at tomato candy production.
Ito ay bilang tulong pangkabuhayan sa naturang samahan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office (PESO) ng lokal na pamahalaan.
Ilan sa mga natanggap na kagamitan ng mga benepisyaryo ay chest freezer, blender, portable solar dehydrator, oven, gas stove, at iba pang gamit panluto.
Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador, kasama sina PESO - OIC Lilybeth Tagle at kinatawan ng DOLE na si Labor and Employment Officer Estrella de Lara ang pamamahagi ng mga kagamitan.
Nang araw ding iyon, sumailalim sa pagsasanay ukol sa Entrepreneurial Development ang mga miyembro ng Sitio Usok Damayan Kababaihan Association para mabigyan ng sapat na kaalaman sa pagpapalago ng kanilang negosyo.