Tulong ng San Josenio para sa Batangueño
Published: January 24, 2020 12:00 AM
Handa na sa biyahe bukas ng madaling araw ang isang truckload ng relief goods para sa mga biktima ng Taal eruption.
Puno ang ten wheeler ng iba’t ibang relief goods tulad ng bigas, bottled water, pagkaing de-lata, instant noodles, toiletries, hygiene kits, new underwear, used clothes at iba. Galing ang mga ito sa mga San Josenio kasama na ang mga pribadong indibidwal at mga empleyado ng City Hall.
Bukod sa mga pribadong donasyon, kasama rin ang mga relief goods na stock ng City Disaster Risk Reduction & Management Office. Pinalad ang lungsod na maiwas sa kalamidad noong nakaraang taon kaya sa halip na abutan ng expiry date ang mga nakaantabay na relief goods, iminungkahi ng LDRRM Council sa pangunguna ng Punong Lungsod Kokoy Salvador na ibigay na lamang ito sa mga nasalanta ng Taal. Agad namang inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang mungkahi.
Maraming salamat sa Punong Lungsod sa pagpapahiram ng sarili niyang truck para sa operations na ito.
Maraming salamat sa lahat ng tumulong. Maraming salamat, San Josenios!