News »


Iba-ibang karakter sa libro, ipinarada ng mga chikiting

Published: November 28, 2019 12:00 AM



Bumida ang 50 grade one pupils sa kauna-unahang Book Character Parade na inorganisa ng City Library and Information Center nitong Lunes, Nobyembre 25.
  
Nagparada sa City Social Circle ang mga chikiting suot ang kanilang mga nakaaaliw na costume bilang mga karakter sa libro gaya nina Little Red Riding Hood, Peter Pan, Tinkerbell, Snow White, Cinderella, Aladdin, Princess Jasmine, Little Mermaid, Dora the Explorer, Maria Makiling, at marami pang iba.

Wagi ang kinatawan ng Sinipit Bubon Elementary School na si Remz Francis Jao Francisco na gumanap bilang ‘Toto, ang Batang Tutubi’, habang ang pambato ng Chariz Learning Center na si Ma. Lourdes Louisiense Reyes na nag-ala-‘Little Mermaid’ ang nakakuha ng ikalawang puwesto, at ikatlo ang pambato ng Sto. Niño 2nd Elementary School na si John Trutsky Soliven bilang ‘Chickee, ang Sisiw sa Tag-ulan’. 

Tumanggap ang mga nanalo ng sertipiko at cash prizes, at nabigyan din ng consolation prizes ang mga kinatawan ng Kita-Kita Elementary School, San Jose West Central School, Abar 2nd Elementary School, United Methodist Church Learning Center, at Pinagcuartelan Elementary School.
 
Isinagawa ang nasabing programa bilang pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa Library and Information Services (LIS) Month at National Book Week Celebration ngayong Nobyembre.