Mga Dapat Tandaan sa ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE (ECQ)
Published: March 17, 2020 12:00 AM
READ & SHARE!!!
Mga dapat malaman sa ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE (ECQ) na ini-order ng Pangulong Duterte para masupil ang pagkalat ng COVID-19 at paano ito ipinatutupad sa Lungsod San Jose:
Ang ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE ay ipinatutupad 24 hrs a day simula March 17 hanggang April 13.
MGA DAPAT TANDAAN:
1. Suspendido ang mga klase at aktibidad sa lahat ng antas ng paaralan.
2. Ipinagbabawal ang mass gatherings (misa, worship services, festival/fiesta, community programs, sporting events, entertainment events, parties, reunions)
3. Bawal lumabas ng bahay maliban kung bibili ng pagkain o magpapagamot, o kung trabahador na nasasakop ng # 4 o # 5. Kung bibili ng pagkain, dapat mag-isa lamang.
4. Puwede nang magtrabaho sa bahay ang mga nasa sangay ng pamahalaan, maliban sa mga manggagawa sa frontline services.
5. Tanging ang mga sumusunod na tindahan o establisyimento lamang ang maaaring magbukas:
- Public Market (wet market, fruits & vegetable section, groceries only)
- Supermarkets
- Restaurants, fast foods, carinderia (for delivery or takeout only; bawal ang dine-in)
- Pharmacies/Drugstores
- Hospitals
- Medical Clinics
- Water-refilling stations
- Convenience stores
- Banks, Money Transfer/Remittance centers, Pawnshops
- Power, energy, water and telecom supplies and facilities
- Agricultural Supply
- Planta ng pagkain (tulad ng rice mills, chicken dressing plants)
- Hardware
- Hotels
- BPO (kailangan i-mentina ang social distancing)
BAWAL MAGBUKAS ANG MGA:
- Salon
- Gym
- Spa
- Motorcycle shops
- Computer shops
- Dress shops
- Dry good shops
- At iba pang hindi nabanggit
6. Bawal bumiyahe ang mga pampublikong sasakyan (bus, jeepney, tricycle, vans)
Kaugnay nito, inatasan din ang DSWD na gumawa ng hakbang para sa distribusyon ng food assistance sa mga residenteng higit na maaapektuhan ng ECQ.
ANG SINUMANG LALABAG SA QUARANTINE ORDER NA ITO AY PAPATAWAN NG PARUSANG NAAAYON SA BATAS.