K-Outreach sa Brgy. Tulat
Published: November 12, 2019 12:00 AM
Kagaya ng mga naunang barangay na dinayo na ng K-Outreach Program, naging matagumpay din ang pagbibigay ng mga libreng serbisyo sa mga residente ng Brgy Tulat nitong Huwebes (Nobyembre 07).
Pangunahing-hatid ng programa ang mga serbisyong dental at medikal partikular ang pagbabakuna kontra-polio para sa mga bata
Nagpamigay din ng mga gamot at bitamina para sa mga alagang hayop; tulong at gabay para sa mga PWD, senior citizens, mga buntis na ina, at naghahanap ng trabaho; legal assistance; gupit at masahe; pamimigay ng bigas, reading glasses, at marami pang iba. Hatid din dito ang iba’t ibang aktibidad sa mga bata gaya ng storytelling.
Hindi naman nabigo ang hiling ng mga residente na makaniig si Mayor Kokoy Salvador kasama si Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, at ilang City Councilors. Dumating sila sa pagtitipon at nakisaya sa mga bata at matatatanda.
Isang masaganang boodle fight ang masayang pinagsaluhan ng lahat ng dumalo.
Masayang-masaya ang mga opisyales ng barangay at si Kapitan Narishtelle T. Soriano sa pagdayong ito ng K-Outreach sa kanilang lugar.