News »


San Juan Elementary School, may bagong silid-aralan

Published: March 02, 2020 12:00 AM



Para sa patuloy na paglinang ng karunungan ng mga kabataan, dalawang palapag na gusali na may apat na silid-aralan ang pinasinayaan at binasbasan nitong ika-27 ng Pebrero sa San Juan Elementary School.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Romelo Guerrero ang pagbabasbas sa nasabing gusali; habang si Mayor Kokoy Salvador, kasama si Asst. Schools Division Superintendent Ronilo Hilario ang nanguna sa ribbon-cutting ceremony.

Laking pasasalamat naman ng punong-guro ng naturang paaralan na si Ernesto Valenton, Jr., sampu ng mga guro, at PTA officials dahil may mga bagong classroom na magagamit ang mga mag-aaral doon.

Dumalo rin sa programa si Brgy. Capt. Virgilio Santiago at Engr. Carlito Peralta Jr.

Sa bahagi ng mensahe ng punong lungsod, sinabi niyang batid niyang mahalaga ang edukasyon at kailangan ito ng mga kabataan kaya’t laging nakasuporta rito ang lokal na pamahalaan.