News »


K Outreach sa Brgy. Sibut

Published: October 24, 2019 12:00 AM



Matagumpay na naman ang isinagawang K-Outreach Program nitong Oktubre 17 sa Sibut kung saan nakinabang ng mga libreng serbisyo ang mga residente rito.

Hatid ng caravan ang mga serbisyong dental at medikal, kabilang ang pamimigay ng polio vaccine para sa mga bata. 

Mayroon ding mga bakuna, gamot at bitamina para sa mga alagang hayop; tulong at gabay para sa mga PWD, senior citizens, mga buntis na ina, at naghahanap ng trabaho; legal assistance; gupit at masahe; pamimigay ng bigas, reading glasses, at marami pang iba. Hatid din dito ang iba’t ibang aktibidad sa mga bata gaya ng storytelling.

Dinaluhan at hindi pinalagpas ni Mayor Kokoy Salvador  ang pagkakataong kamustahin ang mga residente ng Sibut, kasama si Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang,  at ilang City Councilors. Naroon din ang mga barangay officials para sumuporta sa programa.

Nagkaroon din ng boodle fight na masayang pinagsaluhan ng lahat ng dumalo.

Dadayo naman sa Manicla bukas (Oktubre 25) ang K Outreach.