Mayor Kokoy, nagpatawag ng emergency meeting para sa COVID-19
Published: March 12, 2020 12:00 AM
Pinulong kahapon, Marso 11, ng Punong Lungsod Kokoy Salvador ang mga kapitan ng barangay at iba't ibang ahensya ng pamahalaan upang talakayin ang panganib na dulot ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon sa kanya, bagama't wala pang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, mabuti na ang nag-iingat.
Ipinakiusap din niya sa DepEd na kung tapos na ang final exam sa mga paaralan, marahil ay pwede nang huwag papasukin ang mga bata at manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan. Hinihintay pa ang klaripikasyon mula sa DepEd tungkol dito.