News »


Mga kabataan, nagtagisan sa balagtasan

Published: November 21, 2019 12:00 AM



Nagpamalas ng galing ang mga kabataan sa ginanap na "Balagtasan sa Aklatan" nitong Lunes (Nobyembre 18) na inorganisa ng City Library and Information Center.

Suot ang baro’t saya at barong tagalog, ipinakita ng mga kabataan na bagaman nasa makabagong panahon ay hindi pa rin nalilimutan ang makatang pagbigkas ng wikang Filipino sa pamamagitan ng Balagtasan.

Naging paksa ng Balagtasan sa Aklatan ang “Libro o e-Book” kung saan nangibabaw ang galing ng mga kinatawan ng Caanawan National High School mula sa limang senior high schools na kalahok dito.

Nakuha naman ng San Jose City National High School ang ikalawang puwesto, at ikatlo ang Sto. Niño 3rd National High School.

Idinaos ang nasabing patimpalak bilang pagdiriwang ng Library and Information Services (LIS) Month ngayong Nobyembre.