Black Team, overall champion sa 2019 LGU Sportfest
Published: October 30, 2019 12:00 AM
Muling nagtipon-tipon ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan nitong Biyernes, Oktubre 25 sa Pag-asa Sports Complex para sa pagtatapos ng 2019 LGU Sportsfest.
Makaraan ang isang buwang tagisan ng limang koponon sa larong basketball, volleyball, bowling, badminton, table tennis, at chess, nanaig ang Black Team at itinanghal na overall champion sa taong ito.
Nakuha naman ng Green Team ang ikalawang puwesto, ikatlo ang Blue Team, sumunod and Orange at Red Team.
Samantala, buong suporta si Mayor Kokoy Salvador sa naturang aktibidad at binati ang pagkakaisa ng mga kawani.
Binati rin ni Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang ang partisipasyon ng national agencies gaya ng PNP at BFP sa palaro ngayong taon.
Bukod sa paggawad ng parangal sa mga nagwagi sa iba’t ibang laro, tampok din sa closing program ang Duet Singing Contest, Dance Contest, at Mr. & Ms. LGU Sportsfest.
Kaugnay nito, itinanghal na kampeon sa kantahan ang pambato ng Orange Team, habang ang Blue Team ang nanguna sa sayawan.
Hinirang naman na Mr. & Ms. LGU Sportsfest 2019 ang pares ng Red Team na sina Victor Aguirre at Liezel Manangkil mula sa PNP San Jose.
Narito ang listahan ng mga nagkampeon sa iba’t ibang laro:
Basketball: Red Team
Volleyball (Men): Green Team
Volleyball (Women): Black Team
Bowling (Men): Orange Team
Bowling (Women) Orange Team
Badminton (Men’s Singles): Blue Team
Badminton (Women’s Singles): Black Team
Badminton (Men’s Doubles): Green Team
Badminton (Women’s Doubles): Black Team
Badminton (Mixed Doubles): Green Team
Table Tennis (Men’s Singles): Blue Team
Table Tennis (Women’s Singles): Black Team
Table Tennis (Men’s Doubles): Blue Team
Table Tennis (Women’s Doubles): Red Team
Table Tennis (Mixed Doubles): Red Team
Chess: Blue Team