News »


K-Outreach Program sa Brgy. Pinili

Published: February 04, 2020 12:00 AM   |   Updated: February 17, 2020 10:37 AM



Isa na namang matagumpay na K Outreach Program ang naisagawa nitong Enero 31 sa may covered court ng Brgy. Pinili.

Namigay ng mga libreng serbisyo ang iba’t ibang sangay ng Lokal na Pamahalaan sa mga residente gaya ng mga gamot, bitamina, bakuna sa mga alagang aso, dental at medical check-up, massage therapy, at marami pang iba. 

Namigay rin ng bigas, salamin sa mata, seedlings, mugs, at groceries. May mga nagturo din ng pagbasa at pagsusulat sa mga bata.

Dumating din ang ilang miyemro ng San Jose City LGBT Association at Philippine Army na naghandog ng libreng gupit.

Nagpakita naman ng suporta ang ilang opisyales ng Sangguniang Panlungsod na sina Dr. Susan Corpuz, Willie Nuñez, Frederick Jose Dysico, Wilfredo Munsayac, Patrixie Salvador, at Roy Andres.

Hindi rin pinalampas nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang ang programa na masayang nakisalo sa boodle fight, kasama ang mga opisyales ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Primo O. Espiritu. 

Dadayo naman ang K Outreach caravan sa Brgy. San Juan sa Huwebes, Pebrero 6.