“Basta Driver, Responsible Father”
Published: November 13, 2019 12:00 AM
Nagsagawa ang City Population Office (CPO) nitong Sabado, Nobyembre 9 ng seminar para sa mga tricycle drivers na tinawag na “Basta Driver, Responsible Father: Men's Involvement in Responsible Parenthood and Family Planning”.
Isinagawa ang naturang aktibidad sa Kambal-Pag-Asa ng Brgy. Sto. Nino 1st kung saan tinalakay ang tatlong mahahalagang paksa gaya ng fertility awareness, modern family planning methods, at ang mga aktibidad na ginagawa ng Philippine Population Management Program (PPMP).
Nagbigay ng mga mahalagang impormasyon ang mga panauhing pandangal na sina Vicky Barbea dela Torre, Commission on Population (PopCom) OIC-Regional Director; Raul Ceceres, No Scalpel Vasectomy (NSV) Program Consultant; at Dr. Jonathan David Flavier, Cooperative Movement for Encouraging NSV (CMEN) Chairman.
Nagkaroon din ng open forum at testimonials mula sa mga piling panauhin.
Bukod dito, tumanggap din ang mga dumalo ng sari-saring serbisyo sa araw na iyon tulad ng libreng masahe, gupit, at ilang give-aways gaya ng damit, bag, at groceries.
Ayon kay City Population Officer Nathaniel O. Vergara, magkakaroon pa ng mga susunod na seminar gaya nito sa iba pang mga lugar sa Nueva Ecija. Kaugnay pa rin ito sa pagsusulong ng nasabing tanggapan ng Intensified National Program on Population and Family Planning ng pamahalaan.
Dumating din sa seminar si City Councilor Trixie Salvador upang magpakita ng suporta.
Samantala, nagpaabot din ng mensahe si Mayor Kokoy Salvador na masugid niyang sinusuportahan ang family planning program ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose.