News »


Mga libreng serbisyo, hatid ng K Outreach sa Brgy. San Juan

Published: February 07, 2020 12:00 AM   |   Updated: February 17, 2020 04:57 PM



Patuloy pa rin ang pag-arangkada ng K Outreach Program sa mga barangay sa lungsod upang maghatid ng mga libreng serbisyo ng Lokal na Pamahalaan.
 
Kahapon, Pebrero 6, bumaba sa Brgy. San Juan ang mga serbisyong hatid ng naturang programa na dinagsa naman ng mga residente roon. 
 
Ilan sa mga serbisyong naiabot ng Lokal na Pamahalaan ay libreng reading glasses, gupit,, masahe, seedlings, bigas para sa food for work program, libreng konsultasyon at gamot, dental check-up, buhangin, contraceptives, at marami pang iba.

Nagkaroon din ng palaro na lalong nagpasaya sa mga dumalo.

Di naman matatawaran ang walang sawang suporta ni Mayor Kokoy Salvador na naroon sa programa at nagbigay pa ng mensahe tungkol sa napapanahong isyu na NCoV.
 
Kaugnay nito, muling nagkaroon ng pagkakataon ang mga taga-San Juan na makasalamuha at makasabay kumain si Mayor Kokoy sa inihain na Boodle Fight para sa lahat.

Makikita rin ang suporta ng ilang konsehal ng lungsod at opisyal ng barangay na nakisaya at nagbigay ng mensahe sa naturang programa.