Mayor’s Cup Basketball Tournament 2019
Published: January 21, 2020 12:00 AM
Sumabak ang 14 na koponan para sa panibagong serye ng Mayor’s Cup Intercommercial Basketball Tournament na nagsimula noong ika-29 ng Nobyembre.
Kabilang sa mga koponan na nagtunggali sa nasabing torneo ang Philippine Army, San Jose City Police Station, PNP 2nd PMFC, Bureau of Fire Protection (BFP) 2nd District, SAJELCO, Tau Gamma, Warlink, Motopixz, JRC, Tri-Wheel, JGR Alexis Travel, FC Martinez Construction, Roper Hardware, at Team Ignacio.
Tumagal ng halos isang buwan ang liga kung saan nagharap sa Finals ang FC Martinez Construction at ang defending champion na Roper Hardware noong ika-23 ng Disyembre.
Bigong maidepensa ng Roper Hardware ang kanilang titulo at naagaw ito ng FC Martinez Construction.
Sa Battle for Third Place, nanaig naman ang JGR Alexis Travel sa kanilang bakbakan kontra Philippine Army.