News »


Regional Quality Assessment Team (RQAT) - Kolehiyo ng Lungsod San Jose

Published: February 12, 2025 02:37 PM



Bumisita ang ilang kinatawan ng Commission on Higher Education (CHEd) Region 3 nitong Martes (Pebrero 11) upang isagawa ang Regional Quality Assessment Team (RQAT) para sa Kolehiyo ng Lungsod ng San Jose (KLSJ) sa Brgy. Sto. Tomas.

Nanguna sina Atty. Ricardo S. Mariano at Dr. John B. David sa pagtitiyak na ang bagong kolehiyo ay maayos na naitatag at may kapasidad upang magbigay ng de-kalidad na edukasyon.

Ilan sa kanilang sinuri ay ang mga kaukulang dokumento, kagamitan, at impraestruktura dito.

Layunin din ng nasabing RQAT na makapagbigay ng mga rekomendasyon para sa pagpapabuti ng KLSJ at magsagawa ng mga hakbang upang matiyak na maging maayos ang operasyon nito at mabigyan ng akreditasyon.

Target na magbukas ang kolehiyo sa Agosto para sa first year BS Criminology students.