News »


Linggo ng TODA

Published: March 28, 2025 11:58 AM



LINGGO NG TODA

Mahigit 200 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ang naserbisyuhan ng K Outreach Program ng lokal na pamahalaan, bilang bahagi ng pagdiriwang ng TODA Week sa linggong ito.

Nagsagawa ng libreng medical mission para sa mga ito nitong Lunes at Martes (Marso 24-25) sa Kambal Pag-asa, Barangay Sto. Niño 1st, na lubos na pinasalamatan ng mga naging benepisyaryo.

Tiniyak naman ni Mayor Kokoy Salvador na patuloy na susuportahan ng pamahalaang lungsod ang kapakanan ng mga tricycle driver, lalo na pagdating sa kanilang kalusugan at kaligtasan sa pamamasada.

Bilang dagdag na suporta, nagbigay rin ng libreng gulong at panggasolina sina Bokal Dindo Dysico at City Councilor Trixie Salvador sa mga dumalo sa outreach program.

Bukod dito, nagdaos din ang TODA Night & Awarding Ceremony nitong Miyerkoles, Marso 26 sa Pag-asa Sports Complex upang kilalanin ang mga nagwagi sa Inter-TODA Tournament.

Nagpahayag naman ng kaniyang pagbati sa mga dumalo sa programa si Vice Mayor Ali Salvador at ilang konsehal.