Barangay Fire Olympics
Published: March 25, 2025 12:54 PM
Nagpamalas ng husay at kahandaan sa pagresponde sa sunog ang mga fire brigade mula sa iba't ibang barangay, karatig bayan, at pribadong establisyimento sa ginanap na Barangay Fire Olympics nitong Marso 21, sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection - San Jose City (SJC), katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Tinanghal na overall champion sa nasabing kompetisyon ang Brgy. Abar 1st, SJC; first runner-up ang Brgy. FE Marcos, SJC; at second runner-up naman ang Brgy. Poblacion West, Lupao.
Kabilang sa walong kalahok dito ang Brgy. Abar 2nd, SJC; Brgy. Malasin, SJC; Brgy. Sto. Niño 2nd, SJC; Brgy. TL Padilla, Carranglan; at WalterMart San Jose.
Layunin ng Fire Olympics na itaas ang kamalayan ng publiko sa mahalagang tungkulin ng BFP sa komunidad, gayundin ang pagpapalakas ng puwersa at kahusayan ng iba't ibang local fire brigade upang mas maging epektibo ang kanilang pagtugon sa sunog at mga sakuna.
Idinaos ito sa Brgy. Tulat kung saan nagpahayag ng kaniyang suporta si Mayor Kokoy Salvador. Bahagi pa rin ito ng pakikiisa ng lungsod sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong Marso.