News »


Turn-over ng Mobile Patrol para sa PNP

Published: May 02, 2025 04:54 PM



Pormal nang nai-turnover ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose ang isang yunit ng mobile patrol sa Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Mayo 2.

Pinangunahan ni Local Disaster Risk Reduction and Management Officer (LDRRMO) Head John Eric Dizon ang seremonyang ginanap sa City Social Circle, kung saan personal niyang iniabot ang susi ng patrol vehicle kay PLTCOL Gerald Fernandez, hepe ng San Jose City Police Station.

Layon ng donasyong ito na mas mapalakas pa ang kakayahan ng PNP sa pagpapanatili ng "peace & order" sa lungsod.