Book Character Parade
Published: November 26, 2024 01:44 PM
Nagmistulang mga buhay na karakter ng iba't ibang kuwento ang 27 mag-aaral mula sa mga Child Development Center (CDC) sa lungsod sa ginanap na Book Character Parade na may temang: 'Magbasa. Mangarap. Magdiwang.'
Idinaos ang patimpalak sa Learning and Development Room ng City Hall nitong Lunes, Nobyembre 25 kung saan inirampa ng mga tsikiting ang kani-kanilang costume na gawa sa recycled materials.
Kaugnay nito, nagwagi ang mga sumusunod na kalahok:
• 1st: Larissa Iris Jacob - "Valentina" ng Kaliwanagan CDC
• 2nd: Zoe Carish Asunsion - "Sofia the First" ng Porais-B CDC
• 3rd: Sachzna Mae Romero - "Ibong Adarna" ng Pinagcuartelan CDC
Dumalo at nagpahayag ng kanilang pagbati sa nasabing programa sina Vice Mayor Ali Salvador at City Councilor Trixie Salvador.
Sa mensahe ni Vice Ali, pinuri niya ang mga magulang sa suportang ibinibigay nila sa mga bata at sa pagtangkilik sa mga programa na gaya nito, na aniya ay makapagpapalawig ng kumpiyansa sa sarili ng mga bata.
Dagdag pa niya, sa ganitong edad ng mga kabataan ay dapat tutukan at turuan din sila ng mabuting asal bukod sa pagbabasa ng libro.
Isinagawa ang Book Character Parade bilang pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng 90th National Book Week at 34th Library & Information Services Month, sa pangunguna ng Aklatang Panlungsod (City Library) at pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Magdaraos din ng Kiddie Tale Tellers/ Storytelling Contest ang City Library bukas, Nobyembre 27.