Pagkilala sa mga Estudyanteng Kumatawan ng Lungsod San Jose sa RSPC 2025 at CLRAA Meet 2025
Published: May 06, 2025 05:13 PM
Taas noong kinilala ang mga mag-aaral na kumatawan mula sa Schools Division Office (SDO) ng Lungsod San Jose sa katatapos na Regional Schools Press Conference (RSPC) 2025 at Central Luzon Athletic Association (CLRAA) Meet 2025 nitong Lunes, ika-5 ng Mayo, kasabay ng flag raising ceremony sa munisipyo.
Nanguna sa muling paggawad ng medalya sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at 1-Rider Partylist Rep. Bonifacio Bosita bilang parangal sa mga nagbigay ng karangalan sa lungsod.
Buong suporta naman ang Department of Education (DepEd) San Jose City sa mga mag-aaral sa kanilang tagumpay sa mga naturang patimpalak.
Sa CLRAA Meet 2025, nakamit ng lungsod ang ikatlong puwesto sa Elementary Category at mula sa 17th overall ranking noong nakaraang taon, umangat ang SDO San Jose City sa 12th overall sa buong kompetisyon.
Sa kabuoan, nakapag-uwi ang lungsod ng 14 na gold, 7 silver, at 8 bronze medals sa CLRAA 2025.
Ang mga kuwalipikadong atleta mula sa lungsod ay tutuloy naman sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Laoag, Ilocos Norte.