News »


Karagdagang Anim na Gusali ng Kolehiyo ng Lungsod San Jose

Published: January 30, 2025 03:35 PM



Idinaos nitong Martes, Enero 28, ang groundbreaking ceremony para sa karagdagang anim na gusali ng Kolehiyo ng Lungsod San Jose sa Barangay Sto. Tomas.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang programa, kung saan binigyang-diin niya ang pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan na itaguyod ang pagtatayo ng kolehiyo bilang suporta sa pag-unlad ng mga kabataang San Josenio sa pamamagitan ng edukasyon.

Dumalo rin si Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal at sinang-ayunan na isa sa kanilang pangunahing prayoridad ang edukasyon.

Inilahad din niya na ang kursong Bachelor of Science in Criminology ang magiging pioneering course ng kolehiyo.