K Outreach, Patuloy sa Paghatid ng Libreng Serbisyo
Published: March 06, 2025 04:50 PM
Matapos dayuhin ng K Outreach Program nitong Martes ang Brgy A. Pascual, tumungo naman ngayong araw, Marso 6 sa Villa Floresta upang magbigay ng libreng serbisyo at tulong ang iba't ibang ahensiya at opisina ng lokal na pamahalaan.
Bumisita roon sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod para kumustahin ang mga residente.
Hatid ng programang K Outreach ang serbisyong medikal at dental, gayundin ang eye check-up at libreng reading glasses.
Nagbigay rin ng libreng cedula, dokumentong sibil, at tulong para sa mga PWD, senior citizens, at naghahanap ng trabaho; pati na ng iba't ibang aktibidad para sa mga bata.
Kabilang din sa serbisyong ibinahagi ang libreng gupit at masahe, pamamahagi ng bigas, binhi, at gamot para sa alagang hayop.
Samantala, nakatakdang dumalaw ang K Outreach Program sa Brgy. Malasin bukas, Marso 7 at sa Abar 1st sa susunod na linggo.