State of the City Address (SOCAD) 2025
Published: April 03, 2025 04:37 PM
Inilahad ni Mayor Mario 'Kokoy' Salvador ang mga nagawa ng kaniyang administrasyon sa nakalipas na siyam na taong panunungkulan bilang punong lungsod sa kanyang State of the City Address (SOCAD) 2025 nitong Huwebes, ika-3 ng Abril.
Sa kaniyang pagharap sa taumbayan, sumentro ang kaniyang mensahe sa mahahalagang programa at proyekto ng lungsod, dahilan ng pag-angat ng San Jose mula 3rd class tungo sa 2nd class city. Aniya, bunga rin ito ng sama-samang pagsisikap ng mga katuwang na ahensiya, pampubliko at pribadong sektor.
Binigyang-diin niya na ang tagumpay ay nakasalalay sa mga pangunahing adbokasiya ng kanyang administrasyon, kabilang ang pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan, pagpapalawig ng edukasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralan at pasilidad, pagpapalakas ng komunidad sa pamamagitan ng iba't ibang programang pangkabuhayan, at pagpapaganda ng turismo upang higit pang mapalakas ang ekonomiya ng lungsod.
Ipinahayag din niya ang kaniyang pangarap na patuloy pang umangat ang San Jose sa mga darating na taon at nanawagan sa mga susunod na pinuno na bigyang-pansin hindi lamang ang impráestruktúra kundi pati ang pangangailangan ng mamamayan.
Sa pagtatapos ng kaniyang talumpati, pinasalamatan niya ang kaniyang pamilya at lahat ng tumulong sa kaniyang administrasyon sa pagpapatupad ng mga programang nagdala ng pag-unlad sa lungsod.