News »


Poster-Making Contest - Rabies Awareness Month

Published: March 31, 2025 02:25 PM



Nagpamalas ng galing sa sining ang mga mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod sa Poster-Making Contest na inorganisa ng City Veterinary Office, bilang pakikiisa sa Rabies Awareness Month ngayong Marso.

Sa temang "Rabies-free na Pusa't Aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino", gumuhit ng iba't ibang obra ang 14 na kalahok dito, kung saan hinirang na kampeon si Arelle Olivienne Beltran ng San Jose City National High School.

Nakamit naman ni Neshlyn Grace Dioses ng Kita-Kita High School ang ikalawang puwesto at ikatlo si Stephanie Paris ng Kaliwanagan National High School.

Ipinakita rin dito ng kilalang pintor na si Elito 'Amangpintor' Circa ang kaniyang kahanga-hangang husay sa pagpinta at nagsilbing ring isa sa mga hurado ng naturang patimpalak na idinaos sa WalterMart San Jose nitong Marso 28.

Samantala, magpapatuloy ang pagbabakuna kontra rabies ng City Veterinary Office sa mga barangay kung saan nakaiskedyul ang kanilang pagbisita sa mga kabahayan sa Brgy. F.E. Marcos sa Miyerkoles, Abril 2 at sa Calaocan sa Abril 3-4.