News »


Seasonal Farm Workers Program – Year III

Published: January 20, 2025 04:14 PM



Dumalo ang 500 aplikante sa orientation at initial screening para sa mga nais magtrabaho sa Hongcheon-gun, South Korea bilang Seasonal Farm Workers (SFW) kaninang umaga (Enero 20) sa Pag-asa Sports Complex.

Upang matukoy kung sila ay kuwalipikadong maging SFW, sumailalim ang mga aplikante sa proseso ng panayam at pagsusuri ng pisikal na lakas ng katawan sa pamamagitan ng pagbubuhat.

Samantala, naroon din sa nasabing aktibidad sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod, bilang pagsuporta sa programa.

Katuwang ng Public Employment Service Office (PESO) ang City Agriculture Office sa naturang orientation at initial screening ng mga aplikanteng SFW.