Women's Month, Piniagdiwang ng Iba't Ibang Samahan ng Kababaihan sa Lungsod
Published: March 27, 2025 03:00 PM
WOMEN'S MONTH, IPINAGDIWANG NG IBA'T IBANG SAMAHAN NG KABABAIHAN SA SAN JOSE
Ipinakita ng iba't ibang samahan ng kababaihan sa lungsod ang kanilang puwersa at pagkakaisa sa idinaos na selebrasyon ng National Women's Month dito nitong Miyerkoles, Marso 26.
Nagmartsa mula City Social Circle patungong Kambal Pag-asa, Barangay Sto. Niño 1st ang mga lumahok, suot ang damit na kulay lila, bilang pakikiisa sa kampanyang "Purple Wednesdays" ng Philippine Commission on Women (PCW) para isulong ang karapatan ng kababaihan at gender equality.
Kabilang sa mga lumahok dito ang mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) Women with Disabilities, Solo Parents, Day Care Workers, SAMAKANAMARE, City Health Workers, Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Migration Information Officers, at Barangay Employment Coordinators.
Matapos ang parada, nagtagisan ang iba't ibang grupo sa Zumba competition, kung saan itinanghal na kampeon ang SAMAKANAMARE.
Samantala, hindi rin nagpahuli sa pag-Zumba ang mga solo parent sa lungsod sa ginanap na Solo Parents Day celebration nitong Lunes, Marso 24 sa Brgy. Calaocan.
May temang "Solo Parent na Rehistrado, sa Gobyerno Tiyak na Protektado" ang nasabing okasyon, bilang pagpapahalaga sa kanilang kapakanan at karapatan.
Kaugnay nito, maaaring makipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office ang mga single parent na nais magparehistro at alamin ang kanilang mga benepisyo sa ilalim ng Republic Act No. 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act.