Mahigit 20 PWD, mabibigyan ng libreng Artificial Legs
Published: November 28, 2024 01:56 PM
Napuno ng kagalakan ang mga person with disabilities (PWD) na naging kabahagi sa idinaos na Assessment and Measurement of Artificial Legs nitong Martes (Nobyembre 26) sa PWD Affairs Office (PDAO) sa lungsod.
Handog ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, katuwang ang MediWalk Corp bilang pangunahing sponsor ng naturang programa at sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan.
Nasuri at nasukutan ng mga kinatawan ng MediWalk Corp ang 22 PWD mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan na mabibigyan ng kinakailangang prosthetics o assistive device.
Ayon sa mensahe nina Ariel Sta. Ana, PDAO Head ng Nueva Ecija at Christian Nicolas ng PDAO San Jose City, ang mga inisyatibang tulad nito ay nagbibigay ng bagong pagkakataon at lakas sa mga PWD para ituloy ang kanilang mga pangarap at magtagumpay sa buhay.