News »


2025 Ten Outstanding Women of San Jose City Awards Night

Published: March 26, 2025 01:04 PM



Pinarangalan ang 10 natatanging kababaihan sa lungsod sa ginanap na Ten Outstanding Women of San Jose City (TOWS) Awards Nights nitong Marso 21 sa Nicia's Place and Events Center, Brgy. Tulat.

Kabilang sa mga pinarangalan ang mga sumusunod:
1. Agriculture: Engr. Roan F. Beronilla. MSAE
2. Public Service: Mae Zusette A.Mendoza
3. Law/Law Enforcement: PMSg. Carolyn A. Cortez
4. Culture and Arts: Karenina B. Romualdo, PhD
5. Business: Mercholyn M. Lubiano
6. Community Development: Ginalyn Manzano-Pobre
7. Small and Medium Entrepreneurship: Maricel E. Sevilleja
8. Education: Vilma C. Nuñez, PhD
9. Health: Marilyn O. Llorando
10. Labor/Worker: Noime L. Moran

Napili ang Ten Outstanding Women batay sa mga isinumiteng nominasyon sa lokal na pamahalaan nitong Pebrero.

Sinuri naman ng itinalagang screening committee ang kanilang naging serbisyo at kontribusyon sa komunidad; kahusayan sa kanilang piling larangan; kakayahan sa pamumuno; at kagandahang loob.

Samantala, pinangunahan nina Mayor Kokoy Salvador, City Councilors Patrixie Salvador at Doc Susan Corpuz ang paggawad ng parangal sa mga nagwagi.

Dinaluhan din ito nina City Councilor Banjo Munar na nagsilbi ring host ng programa, Bokal Dindo Dysico, at mga kinatawan ng Soroptimist International of San Jose City.

Idinadaos ang taunang TOWS na inorganisa ng City Human Resource Management Office, bilang pakikiisa ng pamahalaang lokal sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Kababaihan ngayong Marso na may temang "Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas".