News »


2024 Chorale Competition Grand Finals

Published: December 13, 2024 11:50 AM



Tunay na damang-dama na ang Kapaskuhan sa lungsod sa ipinamalas na mala-anghel na tinig ng mga kalahok sa Chorale Competition Grand Finals (Elementary and Secondary Level) nitong ika-11 ng Disyembre sa Pag-asa Sports Complex.

Parehong naidepensa ng San Jose West Central School (SJWCS) at San Jose City National High School (SJCNHS) ang kampeonato sa taong ito, habang nakuha naman ng Encarnacion Subdivision Elementary School (ES) at Porais National High School ang ikalawang puwesto.

Kabilang din sa mga grand finalist ang Abar 1st ES at San Jose East Central School sa elementary level, at Sto. Niño 3rd NHS at Golden Success University sa secondary level na pawang nagpamalas ng husay sa pag-awit.