News »


Kasalang Bayan 2025

Published: February 17, 2025 03:57 PM



Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso nitong Pebrero 14, 101 pares ang sabay-sabay na nag-"I do" sa Kasalang Bayan 2025 sa lungsod.

Nagsilbing solemnizing officer dito si Mayor Kokoy Salvador, habang si Ptr. Harrison de Leon ang nagbigay ng basbas sa mga bagong kasal.

Idinaos ang seremonya at wedding reception sa Brgy. Tulat kung saan tampok dito ang Couple's First Dance, pati na ang paggawad ng parangal sa ilang mag-asawa.

Kabilang dito ang Oldest Couple na sina Rodolfo Santiago at Marites Chioco, Sweetest Couple na sina Eugenio Tubera Jr. at Myla Galura, at Early Bird Couple na sina Maximo Español at Recelyn Ebid.

Nagpahayag naman ng kaniyang pagbati sa mga ikinasal si Vice Mayor Ali Salvador, gayundin ang ilang opisyal ng lungsod.

Isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose, sa pangunguna ng City Civil Registry Office ang taunang Kasalang Bayan dito.