News »


Tondod Elementary at High School, May Bagong K-Building

Published: March 27, 2025 01:13 PM



Pinasinayaan ang dalawang bagong K-Building para sa Tondod Elementary at High School kahapon, Marso 26 bilang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng edukasyon.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Mayor Kokoy Salvador na ang mga bagong gusaling pampaaralan ay isang hakbang tungo sa pag-unlad ng Barangay Tondod, lalo na ng mga mag-aaral doon.

Tiniyak din ni Vice Mayor Ali Salvador na pangunahin nilang prayoridad ang edukasyon kaya't patuloy nilang tutugunan ang mga pangangailangan ng mga eskuwelahan sa lungsod.

Dinaluhan ang inagurasyon at pagbabasbas ng bagong K building ng mga guro at mag-aaral sa naturang paaralan, kinatawan ng Schools Division Office, at ilang opisyal ng Brgy. Tondod.

Samantala, may bago ring K building ang Tayabo Elementary School na pinasinayaan naman ngayong araw, Marso 27.