News »


Magsasakang San Josenio, Pinarangalan

Published: May 16, 2025 04:47 PM



Hinirang bilang isa sa mga Natatanging Magsasaka sa Gitnang Luzon si Arnold Dizon, Chairperson ng KALASAG Multi-Purpose Cooperative, sa isang awarding ceremony na ginanap sa Subic Bay Freeport Zone nitong Huwebes, Mayo 15.

Kinilala si Dizon para sa kanyang kahusayan sa larangan ng High Value Commerical Crops - Vegetables, patunay ng kaniyang masigasig, makabago, at sustenableng pamamaraan ng pagsasaka.

Katuwang ang City Agriculture Office at City Cooperative Development Office sa pagtuturo ng "Good Agricultural Practices" (GAP) sa mga magsasaka at kooperatiba ng lungsod.

Kamakailan, ang KALASAG Multi-Purpose Cooperative na ay kinilala bilang kauna-unahang Philippine GAP-Certified Cooperative. Nabigyan din ito ng Asia/Japan GAP Certification.

Bukod sa natanggap na pagkilala, nominado rin si Dizon sa national level, kung saan ilalahad ang mga nagwagi sa Mayo 26.