Send-off Ceremony - CLRAA athletes
Published: April 22, 2025 12:37 PM
Good luck, San Jose City athletes!
Handa na ang delegasyon ng Division of San Jose City para sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet 2025 na magsisimula ngayong araw, Abril 22 sa probinsiya ng Tarlac.
Kaugnay nito, nagsagawa ng send-off ceremony para sa mga atletang San Josenio nitong Lunes sa San Jose City National High School gym bago sila bumiyahe.
Sa kaniyang mensahe, ipinahayag dito ni Vice Mayor Ali Salvador ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang pang-isports upang mas malinang ang husay ng mga kabataang atleta. Hinikayat din niya ang mga atleta na ibigay ang kanilang buong galing upang makarating sa Palarong Pambansa.
Nagpahayag din ng kanilang suporta sina Schools Division Superintendent (SDS) Ericson Sabacan, EdD, CESO V at Asst. SDS Josie Palioc, PhD, at nagpasalamat sa mga magulang na patuloy na gumagabay at nagsasakripisyo para sa mga pangarap ng kanilang mga anak.
Dinaluhan ng mga coach, guro, mga opisyal at kinatawan mula sa iba't ibang paaralan ang seremonya bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa delegado ng dibisyon.
Inaasahang magtatagal ang CLRAA Meet hanggang Abril 27.