News »


CHORALE COMPETITION - ELEMENTARY LEVEL (Cluster 2 Elimination Round)

Published: November 26, 2024 02:43 PM



Muling nagtagisan ng galing ng pag-awit ang mga mag-aaral ng iba pang paaralan sa elementarya sa lungsod sa pagpapatuloy ng Chorale Competition Elimination Round na ginanap sa City Social Circle.

Panalo ang San Jose East Central School at Mount Carmel Montessori Center sa Cluster 2 ng naturang kompetisyon nitong Biyernes (Nobyembre 22), habang ang San Agustin Integrated School at San Jose West Central School naman ang nagwagi sa Cluster 3 kagabi (Nobyembre 25).

Masasaksihan naman ang talento ng huling grupo (Cluster 4) ng mga mang-aawit mamayang gabi para makumpleto ang mga kalahok sa Elementary Level na magtatagisan sa semi-finals sa Disyembre 4.