CHORALE COMPETITION - ELEMENTARY LEVEL (Cluster 1 Elimination Round)
Published: November 22, 2024 03:00 PM
CHORALE COMPETITION - ELEMENTARY LEVEL (Cluster 1 Elimination Round)
Kasunod ng pagpasok ng amihan, binalot naman ng malalamig na himig pamasko ang gabi sa ginanap na Chorale Competition - Elimination Round (Elementary level) sa City Social Circle nitong Huwebes.
Nagpamalas dito ng husay at talento sa pag-awit ang 10 grupo ng mag-aaral mula sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lungsod.
Kaugnay nito, nangibabaw ang tinig ng grupo ng Kita-Kita, Abar 1st, at Caanawan Elementary School na pasok na sa semi-finals na gaganapin sa ika-4 ng Disyembre.
Ayon kay Vice Mayor Ali Salvador, layunin ng programa na mapaunlad ang talento ng mga kalahok dito upang mas makilala pa ang husay ng mga kabataang San Josenio.
Pinasalamatan naman ni Mayor Kokoy Salvador ang DepEd at mga pribadong paaralan sa kanilang pakikiisa rito.
Magpapatuloy mamayang gabi ang Elimination Round ng Chorale Competition para sa ikalawang cluster ng mga kasaling paaralan sa elementarya, at susunod ang ikatlo at ikaapat na cluster sa Nobyembre 25-26.