News »


Bonifacio Day 2024

Published: November 30, 2024 09:47 AM



Kaisa ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose sa pagdiriwang ng ika-161 taon ng kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio ngayong araw, Nobyembre 30.

Idinaos nitong umaga ang programa sa City Social Circle, kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan, non-government organizations (NGOs), at ilang kinatawan ng pribadong sektor.

Pawang mensahe ng pasasalamat ang pahayag nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, gayundin si City Coun. Trixie Salvador sa pakikiisa ng San Josenio sa naturang okasyon.

Naghandog naman ng pampasiglang bilang sina Ella May Collado na umawit ng Bayan Ko at Yasmin Cristel del Rosario na kumanta ng Tagumpay Nating Lahat.

Sa ikalawang bahagi ng programa, nag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Bonifacio at iba pang bayani.