Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan
Published: December 03, 2024 09:08 AM
Upang palakasin ang kamalayan laban sa droga, nagsagawa ng symposium na "Buhay Ingatan, Droga'y Ayawan" ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Community Affairs Office nitong Nobyembre 29 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.
Dinaluhan ito ng mga Little City Official at mga lider ng samahang Barkada Kontra Droga.
Nagsilbing resource speakers sina PSSG Christian Pulido ng PNP-San Jose City, Abigail Marcial, at Rev. Harrison de Leon kung saan tinalakay nila ang pagpapalakas ng ugnayan ng kabataan sa mga programang kontra-droga, epekto ng droga sa mental health, at ang papel ng espirituwal na komunidad sa paglaban sa droga.
Samantala, isinagawa ang closing ceremony ng Linggo ng Kabataan sa hapong iyon sa munisipyo bilang pagkilala sa aktibong pakikilahok ng mga kabataang lider sa mga aktibidad at di-matatawarang kontribusyon bilang Little City Officials sa taong ito.