News »


San Jose City, Nominado sa Gawad Parangal ng CDA

Published: March 13, 2025 04:33 PM



Kinilala ang Lungsod San Jose bilang isa sa apat na nominado mula sa Region 3 para sa National Level ng Gawad Parangal 2024 ng Cooperative Development Authority (CDA).

San Jose lamang ang tanging component city sa rehiyon at nag-iisang local government unit (LGU) mula sa Nueva Ecija ang pasok sa naturang parangal.

Nakamit ito ng lungsod dahil sa patuloy na pagbibigay ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng City Cooperative Development Office ng technical assistance sa mga kooperatiba rito, lalo na ang mga may kinalaman sa agrikultura.

Tinanggap ni Mayor Mario Kokoy Salvador ang Plaque of Recognition bilang Regional nominee sa National Level ng Gawad Parangal 2024 nitong Marso 11 sa Palayan City, kasabay ng Regional Launching ng International Year of Cooperatives ng CDA.