News »


Lantern and Chant Competition

Published: December 11, 2024 03:09 PM



Mas nagningning ang gabi nitong Lunes (Disyembre 9) sa ginanap na Lantern Competition sa lungsod, kung saan tampok ang siyam na naglalakihan at malikhaing parol na ipinarada patungong Public Market.

Nagwaging kampeon sa naturang kompetisyon ang East Cluster na binubuo ng San Jose East Central School, San Agustin Integrated School, Kaliwanagan Elementary at High School (HS), Culaylay, Tumana, at Balacat Elementary School (ES).

Itinanghal namang first runner-up ang South Cluster na kinabibilangan ng Delaen ES, Kumabol ES, Sto. Tomas ES, Caanawan ES at HS; habang second runner-up ang Northeast Cluster ng San Juan ES, Porais ES at HS, Parilla ES, Pinili ES, Palestina ES, at Bagong Sikat Integrated School.

Samantala, ang South Central Cluster na binubuo ng Abar 1st ES, Abar 2nd ES, at San Jose City National High School-SHS ang nag-uwi ng panalo sa Chant Competition, na lalong nagpasaya at nagpasigla sa programa.