K-9 Search and Rescue Training, isinasagawa sa lungsod
Published: February 20, 2025 04:44 PM
Naglunsad ng isang linggong pagsasanay sa Lungsod San Jose upang turuan ang mga volunteer at kanilang alagang aso bilang K-9 dogs para sa search and rescue operations.
Nagsisilbing tagapagsanay sa K-9 Search and Rescue Training ang mga miyembro ng Metro Manila Dog Association, katuwang ang San Jose City K9-Search and Rescue Unit at Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO).
Layunin ng pagsasanay na ihanda ang mga komunidad, kabilang ang mga alagang hayop sa pagresponde sa mga hindi inaasahang sakuna, lalo na ang lindol.
Sinimulan ang pagsasanay nitong Lunes at magtatagal ito hanggang bukas.
Pagkaraan nito, magsasagawa ng assessment ng mga volunteer at kanilang mga alaga matapos ang anim na buwan upang matukoy kung magiging K-9 certified ang mga ito.