News »


1,333 Senior Citizen, Tumanggap ng Ayuda

Published: November 08, 2024 02:00 PM



Natanggap na ng 1,333 senior citizen edad 75 pataas sa lungsod ang kanilang ayuda mula sa Social Pension Program ng lokal na pamahalaan nitong Miyerkoles, Nobyembre 6.

Isinagawa ang pamamahagi nito sa tulong ng City Treasurer's Office, katuwang ang Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa Pag-asa Sports Complex, kung saan napagkalooban ang mga benepisyaryo ng kabuoang PHP1,500.00 para sa nakalipas na tatlong buwan.

Dumalo rin dito at nakipagkumustahan sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at City Councilor Mawie Munsayac-dela Cruz.

Noong Oktubre 22, naipamahagi naman ang pensiyon ng mga lolo at lola na edad 60-74.