News »


2024 Presidential Lingkod Bayan Award

Published: September 13, 2024 12:33 PM



Mayor Kokoy, ginawaran ng 2024 Presidential Lingkod Bayan Award ng CSC

Muling kinilala si Mayor Kokoy Salvador bilang 2024 Presidential Lingkod Bayan Awardee (Regional Winner) ng Civil Service Commission (CSC) kamakailan sa ginanap na 2024 Search for Outstanding Government Workers.

Unang ginawaran ng nasabing parangal si Mayor Kokoy noong 2021, at bukod tanging Punong Lungsod sa Nueva Ecija ang nagkamit nito sa ikalawang pagkakataon.

Kasabay na pinarangalan ng CSC Regional Office III sa City of San Fernando, Pampanga ang guro na si Sheila Marie Baluran ng DepEd San Jose City na tumanggap naman ng CSC Pag-asa Award.