News »


Bagong Balay Silangan Reformation Center sa Lungsod, Pinasinayaan

Published: November 05, 2024 04:54 PM



Isinagawa nitong Martes, Nobyembre 5 ang pormal na dedikasyon at pagbubukas ng Balay Silangan Reformation Center sa Brgy. Crisanto Sanchez sa tulong ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) ng Lokal na Pamahalaan bilang suporta sa pagbabagong buhay ng mga drug reformist sa lungsod.

Nagsimula ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Rev. Nelson L. Vicente ng San Jose City Pastoral Movement, at sinundan ng ribbon-cutting ceremony kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at iba pang opisyal at kinatawan ng ilang ahensiya ng pamahalaan.

Sa kanyang mensahe, hinimok ni Mayor Kokoy ang mga magiging residente ng reformation center na magtuon sa makabuluhang gawain para sa kanilang pagbabago, habang binigyang-diin ni Vice Mayor Ali ang kahalagahan ng pagtutulungan sa komunidad upang makamtan ang tunay na transpormasyon.

Bilang bahagi ng seremonya, iginawad din ang Certificate of Completion sa mga nagtapos mula sa batch 2023 ng Balay Silangan at binigyan naman ng pagkilala ang mga katuwang na non-government organization (NGOs) at business establishments sa kanilang kontribusyon sa programang ito.